Inulit ngayong araw ng Pamahalaan ng Australia na patuloy itong makikipagtulungan sa Malaysia at Tsina sa paghahanap ng nawawalang Flight MH370.
Sa isang pahayag na ipinalabas ng Magkakasanib na Sentrong Tagapagkoordina sa Paghahanap ng Flight MH370 ng Australia, sinabi nito na batid ng Pamahalaan ng Australia ang pahayag kahapon ng Pamahalaang Malay hinggil sa pagbagsak ng Flight MH370. Nauunawaan anito ng Australia na kasalukuyang nakakaranas ng napakalaking kahirapan ang mga pamilya ng mga pasahero at crew sa nasabing eroplano.
Anang pahayag, ang pagkakaloob ng pagkatig sa nasabing mga pamilya, partikular na sa kasalukuyang mahirap na panahon, ay nananatili pa ring pangunahing tungkulin ng Pamahalaan ng Australia.
Salin: Li Feng