Ayon sa Xinhua News Agency, dumalaw kahapon si Punong Ministro Stephen Harper ng Australia sa Iraq para makipag-usap kay Punong Ministro Haider al-Abad ng Iraq tungkol sa magkasamang pagbibigay-dagok sa "Islamic State (IS)" at iba pang isyu.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Haider al-Abad na sa kasalukuyan, bumubuti ang situwasyong panseguridad sa kabiserang Baghdad. Aniya, dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon para ibayo pang mapahina at puksain ang banta mula sa terorismo.
Ipinahayag naman ni Harper na ang "IS" ay nagdudulot ng banta sa seguridad ng buong daigdig. Aniya, ang pagbibigay-dagok ay komong responsibilidad ng buong rehiyong Gitnang Sllangan at komunidad ng daigdig. Patuloy na magkakaloob ang Australia ng pagkatig sa Iraq sa pagbibigay-dagok sa "IS," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng