Sa pahayag na inilabas kahapon pagkatapos ng ika-26 na ASEAN Summit, itinakda ng mga kalahok na lider ng mga bansang ASEAN ang 8 pangunahing gawain sa taong ito.
Ang naturang mga gawain ay kinabibilangan ng pagtatatag ng ASEAN Summit bago ang katapusan ng taong ito, pagpapasulong ng pagtakda ng plano ng pag-unlad ng ASEAN Summit, pagpapasulong ng paglapit ng mga lider ng ASEAN sa kanilang mga mamamayan, pagpapasulong ng pag-unlad ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal sa ASEAN, pagpapalawak ng negosyo at pamumuhunan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng ASEAN, pagpapahigpit ng konstruksyon ng mga mekanismo ng ASEAN, pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at pagpapahigpit ng ugnayang panlabas ng ASEAN.