ASTANA, Kazakhstan—Ipinasiya kahapon nina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart sa Kazakhstan na si Nursultan Nazarbayev na pagsamahin ang mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa para maisakatuparan ang komong kasaganaan.
Sumang-ayon ang dalawang pangulo na i-ugnay ang Silk Road Economic Belt initiative na iniharap ng Tsina sa bagong patakarang pangkabuhayan ng Kazakhstan na tinatawag na Bright Road para mapasulong ang magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa, batay sa pagkakapantay at mutuwal na kapakinabangan.
Sinang-ayunan din nilang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa imprastruktura, enerhiya, pinansya, seguridad at kultura.
Dumating ng Kazakhstan kahapon si Pangulong Xi at ang kanyang entorahe. Pagkaraan ng kanyang pagbisita sa nasabing bansa, dadalaw rin ang pangulong Tsino sa Rusya at Belarus.
Salin: Jade