Isang daan walumpu't pitong (187) dalubhasa sa kasaysayan mula sa buong mundo ang nagpasapubliko ng magkasanib na bukas na liham sa media ng Timog Korea para himukin ang Administrasyon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na tumpak na pakitunguhan ang isyu ng comfort women at aminin ang kasalanan hinggil dito.
Sa nasabing liham na may lagda ng mga historian mula sa Estados Unidos, Australia at mga bansang Europeo, hiniling nila sa pamahalaan ng Hapon na komprehensibo at walang kinikilingang balik-tanawin at pagsisihan ang kamaliang pangkasaysayan nito sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II sa taong ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang taos-pusong papakinggan ng pamahalaan ng Hapon ang makatwirang panawagan ng komunidad ng daigdig.
Salin: Jade