Ipinahayag kahapon ni Xu Shuqiang, puno ng grupong medikal ng Pamahalaang Tsino sa Nepal, na ipagkakaloob ng Pamahalaang Tsino ang bagong round ng tulong medikal sa Nepal. Kasalukuyan aniyang binabalangkas ang konkretong plano.
Ani Xu, isasagawa ang nasabing bagong tulong batay sa aktuwal na pangangailangan ng Nepal at may-kinalamang karanasan ng Tsina sa pakikibaka laban sa likas na kalamidad.
Ayon sa ulat, sa kasalukuyan, limang (5) grupong medikal sa antas ng estado ang nasa Nepal para isagawa ang gawaing panaklolo. Pinasasalamatan ni Xu ang mga gawain ng iba't-ibang grupong medikal ng Tsina sa Nepal.
Salin: Li Feng