|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Huang Xilian, Pangalawang Puno ng Departamento sa Asiya ng Ministing Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na gumanap ng papel sa rekonstruksyon pagkatapos ng napakalakas na lindol na Nepal para tulungan ang pamahalaan ng Nepal at mga mamamayan nito na panaigan ang kahirapan at rekonstruksyon ng tahanan.
Ipinahayag ito ni Huang sa pulong na idinaos nang araw rin iyon ng Ministring Panlabas ng Tsina hinggil sa pagtulong ng Tsina sa Nepal. Sinabi niyang tutulungan ng Tsina ang rekonstruksyon ng Nepal sa maraming lalangan na kinabibilangan ng rekonstruksyon ng imprastruktura, pagtulong sa mga nilindol na mamamayan, pagkukumpuni ng makasaysayang mga gusali at iba pa.
Bukod dito, sa regular na preskon na idinaos nang araw rin iyon ng Ministring Panlabas ng Tsina, isinalaysay ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina na sinimulan na ang paghahatid ng ikalawang batch ng 360 toneladang tulong na materyal ng Tsina para sa Nepal at ayon sa plano, darating ito ng Nepal sa loob ng darating na 4 na araw. Ayon sa kahilingan ng Nepal, kahapon ng umaga, pumunta na sa Nepal ang 3 MI-17 helicopters ng Tsina para sa mga gawaing panaklolo. Bukod dito, maalwan ang gawaing panaklolo ng Chinese People Armed Police Force(CAPF) sa Nepal, hanggang kahapon, isinaayos na ang mga 30 kilometro na lansangan sa pagitan ng Tsina at Nepal.
Isinalaysay rin ni Hua na hanggang noong ika-3 ng buwang ito, nagamot ng 3 medical teams ng Tsina ang 2234 person-time. Niligtas ang 969 na nasugatan. Binigyan ng pagsasanay ang 714 person-time na medical staff. Bukod dito, tinulongan din ang Nepal na itakda ang medikal na plano pagkatapos ng lindol.
Noong ika-2 at ika-3 ng buwang ito, sunud-sunod na dumating ng Nepal ang 100 toneladang materyal na panaklolo ng Tsina.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |