|
||||||||
|
||
Jia Yiqin: nandito pa ang pamilya
"Noong nasawi ang aking anak, middle school student lang siya. Bumagsak ang gusali ng kanilang paaralan at halos lahat ay namatay.
Noong isang taon, sinubok ko minsan na magpakamatay, at natakot ang aking asawa at hindi siya nagtatrabaho sa labas ng probinsya. Kung banggitin ang pinakamalaking pagbabago sa aking pamilya, ito ay ang hindi paglabas ng aking asawa at di niya ako iniiwang mag-isa."
Li Xue: nawala ang anak na babae, kaya nawalan ng direksyon ang buhay
"7 taon na ang nakakaraan, sa pagsalubong ng bagong araw, di ko maiwasang isipin kung may dalang payong o wala ang aking anak na babae. At sa hapag kainan patuloy na nilalagay ng asawa ko ang isang pares ng tableware para sa kanya. Nawala ang anak kong babae, kaya nawalan na rin ng kahulugan ang buhay."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |