Ipinatalastas kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na namonitor sa Southern Indian Ocean ng Fugro Equator, isa sa mga bapor sa paghahanap ng bumagsak na flight MH370 ng Malaysia Airlines, ang maliliit na sonar contact na pinaghihinalaang labi ng nawawalang eroplano.
Idinagdag pa ni Liow na kung walang bagong progreso sa paghahanap ng bumagsak na eroplano, papalawakin ng search team ang saklaw ng paghahanap, ayon sa pangako ng Malaysia, Australia at Tsina.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng Marso (Beijing/Manila time), 2014. Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon. Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade