Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-16 na Pulong ng Kooperatibong Lupon ng Tsina at ASEAN, idinaos

(GMT+08:00) 2015-04-11 10:16:17       CRI

Idinaos kahapon sa Jakarta, Indonesia, ang Ika-16 na Pulong ng Kooperatibong Lupon ng Tsina at ASEAN para lagumin ang karanasan ng mga kooperasyon ng dalawang panig nitong nagdaang yugto at itakda ang mga pangunahing pokus ng kanilang kooperasyon sa susunod na yugto.

Ipinahayag ni Yang Xiuping, Embahador Tsino sa ASEAN, na winelkam ng kanyang bansa ang pagtatatag ng ASEAN Community sa katapusan ng taong ito at nakahandang pasulungin ang pagiging mas mahigpit ng relasyon ng dalawang panig.

Sinabi niya na sa taong 2015, nakahanda ang Tsina na buong sikap na isagawa ang mga gawain na kinabibilangan ng pagsasakatuparan ng mga nagkakaisang posisyon na narating sa ika-17 pulong ng mga lider ng China at ASEAN o "10+1", pagdaraos ng mga aktibidad hinggil sa kooperasyong pandagat ng dalawang panig, pagtatakda ng action plan ng dalawang panig mula taong 2016 hanggang 2020, at pagpapalalim ng kanilang estratehikong partnership.

Ipinahayag ng mga kalahok na kinatawan ng ASEAN na umaasa silang matatapos ang talastasan ng dalawang panig hinggil sa pagpapataas ng antas ng China ASEAN Free Trade Area (CAFTA) sa nakatakdang panahon, at itatatag ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) sa lalong madaling panahon.

Bukod dito, ipinahayag din nilang nakahanda ang ASEAN na palalimin ang komprehensibong kooperasyon sa Tsina at pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig.

Sa pulong na ito, inilahad ni Yang ang kalagayan ng konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" ("One Belt and One Road"). Sinabi niya na ang naturang proyekto ay mayroong komong kapakanan sa konstruksyon ng ASEAN Community at nakakabuti rin sa pag-unlad ng imprastruktura at kabuhayang pandagat ng ASEAN.

Ipinahayag pa niya ang pagtanggap ng paglahok ng ASEAN sa konstruksyon ng One Belt and One Road".

  

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>