Sa Ikaapat na Pulong ng mga Mangangalakal ng Muwebles ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idinaos kahapon sa Chongqing, Munisipalidad sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ipinahayag ng mga kalahok na mangangalakal mula sa ASEAN ang kanilang pag-asang maipagbibili sa iba't ibang lugar ng Tsina ang kanilang mga muwebles.
Ang nasabing pulong ay bahagi ng Ika-2 Ekspo ng Muwebles ng Tsina at ASEAN. Kalahok dito ang mahigit 100 bahay-kalakal ng muwebles mula sa 10 bansang ASEAN, Nepal, at Tanzania, kasama ng mahigit 3,000 bahay-kalakal mula sa Tsina.
Mabentang mabenta sa Chongqing ang mga muwebles ng ASEAN.
Ipinahayag ng puno ng ASEAN Furniture Industries Council (AFIC) na kasabay ng pagpapasulong ng Silk Road Economic Belt at Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo, o Belt at Road Initiative na iniharap ng Tsina para mapasulong ang magkasamang pag-unlad, ibayo pang magbubukas ang pamilihang Tsina at mas maraming muwebles ng ASEAN ang makapapasok sa pamilihang ito.
Salin: Jade