Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Brazil kay Pangulong Dilma Rousseff ng bansa, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang paghahandang palalimin pa ang pagtitiwalaang pampulitika at pagpapalitan sa ibat-ibang antas para komprehensibong pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa. Binigyang diin ng Premyer Tsino ang pagbalangkas sa planong pangkooperasyon ng Tsina at Brazil sa industriya at pamumuhunan para pabutihin ang pagtutulungan nitong may mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ni Pangulong Rousseff na nakahanda ang Brazil na patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Tsina, palawakin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa imprastruktura, pinansya, agrikultura, enerhiya at iba pa para palakasin ang kanilang pagtutulungan na magiging huwarang pangkooperasyon sa pagitan ng mga umuusbong na ekonomiya sa daigdig.
Pagkaraan ng pag-uusap, nilagdaan ng dalawang lider ang "Joint Action Plan ng Tsina at Brazil sa 2015 hanggang 2021." Nagpalabas din ang dalawang panig ng governmental joint agreement at pahayag hinggil sa pagbabago ng klima.