Ayon sa ulat kahapon ng pahayagang "Business World" ng Pilipinas, opisyal na pasisimulan ng Asian Development Bank (ADB) ang gawain ng paggagalugad ng imprastruktura sa pamamagitan ng mga pondong di-pampamahalaan. Magkakaloob ang ADB ng mga konsultatibong mungkahi para sa malaking plano ng daambakal ng Pilipinas. Ito ang magiging kauna-unahang proyekto ng Public-Private-Partnership (PPP) ng ADB.
Sa kasalukuyan, nagsagawa ang ADB ng pakikipagkooperasyon sa walong (8) bangkong di-pampamahalaan ng maunlad na bansa na kinabibilangan ng tatlong (3) malaking bangkong Hapones. Ayon sa ulat, ang pagbabago at pagpapalawak ng daambakal sa Luzon ng Pilipinas ang magiging unang proyekto. Pinaplanong simulan ang proyektong ito sa susunod na taon.
Salin: Li Feng