Ayon sa proklamasyong ipinalabas kamakailan ng Bangko Sentral ng Malaysia, noong unang kuwarter ng taong ito, lumago ng 5.6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Malaysia. Ito ay mas mataas kaysa inaasahan.
Ipinahayag ni Zeti Akhtar Aziz, Presidente ng naturang bangko, na ang mga aktibidad sa pribadong larangan ay nananatili pa ring pangunahing lakas-panulak ng paglago ng kabuhayan. Magkahiwalay na lumaki ng 8.8% at 11.7% ang pribadong konsumo at pamumuhunan.
Ayon sa pagtaya ng ekonomista, aabot sa 4.8% ang paglago ng kabuhayang Malay sa buong taong ito.
Salin: Vera