HINDI nagtagumpay ang Senate Office of the Sergeant-At-Arms na madakip ang 17 pinaghahanap ng Senado sa patuloy na pagtangging dumalo sa pagdinig hinggil kay Vice President Jejomar C. Binay.
Ayon kay Retired General Josse Balajadia, hepe ng OSAA, hanggang kaninang umaga, walang nagagawang pagdakip sa ni isa man lamang sa 17 katao. Wala ang mga taong nasa listahan sa mga address na kanilang ibinigay.
Idinagdag pa niya na isa sa mga addresses ay mali. Ani General Balajadia, may mga tahanang pinuntahan ang kanyang mga tauahan subalit 'di naman natagpuan ang mga pinaghahanap.
Naniniwala si General Balajadia na talagang iniwasan lang sila ng mga ito.
Kahapon, naglabas ng arrest warrant para sa 14 na resource persons na hindi sumisipot sa mg pagdinig. Wala na rin ang Pamilya Chong sa kanilang tahanan.