NAKAUWI na sa Pilipinas ang 17 mangingisda na sakay sa limang bangkang pangisdang rehistrado sa Indonesia. Nadakip ang mga mangingisda sa illegal na pamamalakaya sa karagatan ng kalapit-bansa. Wala silang mga pasaporte at mga dokumento ng pumasok sa karagatang sakop ng Indonesia.
Sa 17, dalawa ang mga kapitan ng bangkang pangisda na nabilanggo mula noong sila'y madakip noong 2012.
May koordinasyon na ang Department of Foreign Affairs sa Department of Social Welfare and Development para sa pansamantalang matitirhan at pangangailangan ng mga mangingisdang maglalakbay pabalik sa General Santos City at lalawigan ng Saranggani.
Ibinalita ng Department of Foreign Affairs na mula noong Enero, nakauwi na ang 139 na mangingisda mula sa Indonesia matapos madakip ng walang anumang pahintulot at mga dokumento.