|
||||||||
|
||
NANAWAGAN ang mga pinuno ng kalakal at paggawa sa pamahalaan na asiyasating mabuti ang naganap na sunog sa Valenzuela City noong nakalipas na Miyerkoles. Nasawi ang 72 manggagawa sa insidente.
Sa ngalan ng Employers Confederation of the Philippines, nanawagan ang pangulo nilang si Edgardo Lacson na gawin ang kaukulang imbestigasyon upang mabatid kung mayroong paglabag sa Fire Code of the Philippines, Occupational Safety and Health Standards at ang karaniwang Labor standards.
Ani G. Lacson, kung may mapapatunayang mga paglabag, nararapat lamang na maparusahan ang kinauukulan. Kailangan ding maibigay ang lahat ng benepisyo at kabayaran sa mga nasawi.
Suportado ng ECOP ang kaligtasan, kalusugan at ang makataong hanapbuhay ay 'di kailanman matatawaran.
PAMAHALAAN, DAPAT MAGSIYASAT. Ito ang panawagan ni Ambassador Francis Chua, dating pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry matapos maganap ang malagim na sunog sa Valenzuela City na ikinasawi ng 72 manggagawa. (File Photo/Melo M. Acuna)
Ayon naman kay dating Philippine Chamber of Commerce and Industry president Ambassador Francis Chua, ang mga trahedyang ganito ay maaaring maganap sa alinmang bahagi ng daigdig.
Kailangan ang masusing pagsisiyasat at magkaroon ng kaukulang hakbang upang maiwasan na ang ganitong trahedya.
Sa panig ni Atty. Sonny Matula, umaasa ang Federation of Free Workers na kanyang pinamumunuan na magsasanib ang Kagawaran ng Katarungan at Paggawa sa pagsisiyasat sa insidente.
Marapat lamang pagbalik-aralan ang pagtalima ng mga kumpanya sa mga itinatadhana ng batas sa kalusugan at kapakanan ng mga manggagawa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |