Sa paanyaya ng panig Malay, lalahok si Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina sa Ika-apat na Pagsasanay sa Pagliligtas sa Kalamidad ng ASEAN Regional Forum (ARF) at bibisita rin sa Malaysia mula ika-24 hanggang ika-28 ng buwang ito.
Ang gaganaping pagsasanay ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Tsina at Malaysia. Bukod sa dalawang tagapagtaguyod, lalahok din dito ang iba pang mga miyembro ng ARF at mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Tinatayang aabot sa 2,000 ang bilang ng mga lalahok sa pagsasanay.
Ang ARF ay isang pangunahing mekanismong panseguridad. Ang pagsasanay sa pagliligtas sa kapahamakan ay pangunahing proyekto sa di-tradisyonal na larangang panseguridad sa ilalim ng ARF. Idinaraos ito bawat dalawang taon.
Salin: Jade