Binuksan kahapon sa Nanning, Punong-lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ang dalawang-araw na Ika-13 Pulong ng ASEAN Regional Forum (ARF) hinggil sa Pakikibaka laban sa Terorismo at Transnasyonal na Krimen.
Kalahok dito ang mga miyembro ng ARF, kinatawan mula sa Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at opisyal ng United Nations.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa pakikibaka laban sa terorismo, pagbabawal sa ilegal na droga, pagbibigay-dagok sa cyber crime, at pagdadakip sa mga suspek at kriminal na tumakas sa ibang bansa.
Bilang miyembro ng ARF, ito ang pangalawang beses na pagtataguyod ng Tsina ng nasabing pulong. Noong 2008, itinaguyod ng Tsina, kasama ng Brunei, ang Ikaapat na Pulong ng ARF hinggil sa Pakikibaka laban sa Terorismo at Transnasyonal na Krimen.
Salin: Jade