Ipinahayag kahapon ni Li Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya, na ang mungkahi ng Tsina sa magkakasamang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, o Belt and Road Initiative, ay nagtatampok sa pagtutulungang pangkabuhayan at pagpapalitang pangkultura. Ipinagdiinan niyang wala itong kinalaman sa seguridad na pangmilitar at wala rin itong kinalaman sa mga pinagtatalunang isyu.
Idinagdag pa ng sugong Tsino na sa magkakasamang pagpapasulong ng lahat ng mga miyembro, maisasakatuparan ang connectivity, kooperasyon at kaunlaran. Aniya pa, sa prosesong ito, maipapakita ng mga may-kinalamang bansa ang kanilang malaking potensyal sa pag-unlad. Ito rin aniya ay magpapasigla ng kabuhayang pandaigdig at magpapasulong ng kapayapaang pandaigdig.
Binigyang-diin din ni Embahador Liu, na sa halip na palitan ang kasalukuyang mekanismong pangkooperasyon, ang layunin ng Belt and Road Initiative ay magpasulong ng pagsama-sama ng estratehiyang pangkabuhayan ng iba't ibang bansa, batay sa natamong bunga.
Sinabi rin ni Liu na pasusulungin din ng mga may-kinalamang bansa ang inisyatibang ito, batay sa mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagpapasiya at magkakasamang aksyon.
Salin: Jade