|
||||||||
|
||
Sa kanyang taunang ulat hinggil sa trabaho ng pamahalaang Tsino kamakailan, itinampok ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative, pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa na kalahok sa kasalukuyang idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), punong lehislatura ng bansa at sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng bansa, na sa taong ito, papasok na sa yugto ng pagpapatupad ang "Belt and Road" Initiative.
Anila, ang pagpapatupad sa "Belt and Road" Initiative ay makakatulong sa balanseng pag-unlad ng iba't ibang lugar ng Tsina, at makakatulong din ito sa pagtutulungan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Sinabi pa nilang ang pagpapasulong ng pag-uugnayan ng mga may kinalamang bansa sa lupa, dagat at himpapawid ay ang priyoridad sa pagpapatupad ng "Belt and Road" Initiative.
Sinabi ni Huang Qiang, dalubhasa ng China Academy of Railway Sciences at miyembro ng CPPCC, na sa taong ito, magsisimula ang Tsina at mga bansa sa Timog-silangang Asya at Gitnang Asya at Timog Asya na gaya ng Biyetnam, Laos, Thailand at Kazakhstan, ng mga proyektong pangkooperasyon sa daambakal para mapasulong ang kanilang ugnayan.
Sinabi naman ni He Lifeng, Pangalawang Direktor ng National Development and Reform Commission ng Tsina, na sa kahabaan ng 21st Century Maritime Silk Road, itatatag ng mga may kinalamang bansa ang mga daungan para mapasulong ang kanilang pagtutulungan iba't ibang larangan.
Noong 2013, iniharap ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative para mapasulong ang magkakasamang pag-unlad ng Tsina at mga bansang dayuhan.
Ang land-based na Silk Road Economic Belt na nagsisimula sa Tsina ay dumadaan sa Central Asia at Rusya, hanggang sa Europa. Samantala, ang 21st Century Maritime Silk Road ay nagsisimula rin sa Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansa ng Timog-silangang Asya. Mula naman sa Malacca Strait, tumutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, dumadaan ito sa Gitnang Silangan at Silangang Aprika at nag-uugnay sa land-based Silk Road sa Venice.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |