|
||||||||
|
||
Kinumpirma kahapon ng panig opisyal ng Malaysia na isang grupong pang-imbestigasyon na pinamumunuan ni Khalid Abu Bakar, Punong Inspektor ng Kapulisan ng bansa ang nagtungo sa mga pinaghihinalaang libingang ng mga Rohingya, sa Padang Besar, Perlis, lunsod sa hanggahan ng Malaysia at Thailand.
Natuklasan din ang 17 kampo para sa human trafficking malapit sa nasabing mga libingan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang mga may kagagawan sa isyung ito ay mga human trafficker mula sa Bangladesh o Myanmar.
Ang mga Rohingya ay Muslim na namumuhay sa Myanmar at Bangladesh. Pero, hindi kinikilala ng nasabing dalawang bansa ang mga Rohingya bilang kanilang mamamayan. Dahil sa mga madugong alitan sa pagitan ng mga Rohingya at mga mananampalataya ng Budismo, maraming Rohingya ang tumakas ng Myanmar at ilegal na nandayuhan sa Thailand, Malaysia at iba pang mga bansa.
Noong unang dako ng buwang ito, natuklasan ng kapulisan ng Thailand ang ilampung libingan at narekober ang ilang dosenang bangkay sa Songkhla, lalawigan sa hanggahan ng Thailand at Malaysia.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |