Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PM ng Malaysia, inutos ang paghahanap sa mga bapor ng refugee sa Andaman Sea

(GMT+08:00) 2015-05-21 16:37:03       CRI

Inutusan ngayong araw ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang hukbong pandagat ng bansa na hanapin ang mga bapor ng na lulan ang mga refugee sa Andaman Sea. Ipinahayag din niyang bibigyan ng Malaysia ng tulong na humanitaryan ang mga repyugi.

Sa kasalukuyan nagpupulong ang Malay, Indonesia at Myanmar para malutas ng krisis ng mga refugee sa dagat. Ayon sa pagtaya, humigit-kumulang 7,000 katao ang lulan ng mga barkong nakatigil Andaman Sea.

Ang karamihan ng mga refugee ay Rohingya at Bangladeshi.

Noong unang dako ng buwang ito, natuklasan ng kapulisan ng Thailand ang ilampung libingan at narekober ang ilang dosenang bangkay sa Songkhla, lalawigan sa dakong timog ng Thailand. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang mga nasawi ay mga Rohingya mula sa Myanmar at Bangladesh.

Bilang tugon, inatasan ni Punong Ministro Prayut Chan-ocha ng Thailand ang iba't ibang pamahalaang lokal na kaagad lutasin ang isyung ito at parusahan ang sinumang ilegal na pumipigil o nagpupuslit sa mga Rohingya.

Dahil dito, naiwan ng mga grupong nagpupuslit ng tao ang mga bapor na may lulang Rohingya sa dagat. Sapilitan namang lumilikas ang mga ito sa Indonesia at Malaysia.

Ang mga Rohingya ay Muslim na namumuhay sa Myanmar at Bangladesh. Pero, hindi kinikilala ng nasabing dalawang bansa ang mga Rohingya bilang kanilang mamamayan. Dahil sa mga madugong alitan sa pagitan ng mga Rohingya at mga mananampalataya ng Budismo, maraming Rohingya ang tumakas ng Myanmar at ilegal na nandayuhan sa Thailand, Malaysia at iba pang mga bansa. Kadalasan, ang mga Rohingya sa Thailand ay pinupuslit at nagsisilbing manggagawang mababa ang suweldo at masama ang panirahan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>