Sa Beijing, Tsina—Binuksan dito kahapon ang unang taunang pulong ng Non-governmental Forum ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Sa kanyang mensaheng pambati, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa pagdaraos ng pulong, at pagsalubong sa mga kalahok na panauhin.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 2 taon, sapul nang itatag ang CICA, gumawa ito ng walang-humpay na pagsisikap sa aspekto ng pagtatatag at pagpapatupad ng mga hakbangin ng pagtitiwalaan, pagpapasulong ng diyalogo ng magkakaibang sibilisasyon, pagpapasulong ng komong kaunlaran, at iba pa. Aniya, natamo ng CICA ang positibong progreso, at naging mahalagang mekanismo ng paghahanap ng mga bansang Asyano ng modelo ng pagsasaayos sa katiwasayan ng Asya.
Tinukoy pa ni Xi na dapat buuin ang network ng pagpapalitang di-pampamahalaan, at likhain ang mas magandang kondisyon para sa malawakang pagpapalagayan ng ideyang panseguridad ng CICA, pagpapataas ng impluwensiya ng CICA, at pagpapasulong ng pagsasaayos ng katiwasayan ng rehiyong ito.
Salin: Vera