SA paggunita ng International Day of United Nations Peacekeepers sa Biyernes, ika-29 ng Mayo, pararangalan sa ikapitong sunod na taon ang higit sa 100 "blue helmets" na nasawi noong 2014 samantalang naglilingkod.
Ayon sa United Nations Information Center, idaraos ang paggunita sa UN Headquarters sa New York at sa iba't ibang peacekeeping operations at mga tanggapan sa buong daigdig.
Mayroong 126 na peacekeepers, military, police at sibilyan ang nasawi noong 2014 sa paglilingkod dahilan sa mga kaguluhan, mga sakuna at sakit at tatanggap ng Dag Hammarskjold Medal sa seremonya sa UN Headquarters sa Mayo.
Kabilang sa pararangalan si Captain Aurelio M. Kigis na naglingkod sa United Nations Disengagement Observer Force sa Golan Heights.
Mayroong higit sa 170 mga kawal at pulis personnel na Filipino sa United Nations Stabilization Mission sa Haiti.