IBINALITA ni Justice Secretary Leila de Lima na mayroong case build-up hinggil sa Davao Death Squad matapos lumabas ang isang saksi.
Nakabase ang pagsisiyasat sa pahayag ng isang saksi na tinanggap na sa Witness Protection Program.
Ani Kalihim de Lima, tulad ng ibang mga saksi, ang umanong hitman sa TAgum Death Squad, ang saksi sa Davao Death Squad ay saklaw ng Witness Protection program kaya't walang iba pang detalyes na maibibigay.
Tumangging sumagot si Kalihim de Lima kung nabanggit ang pangalan ni Mayor Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad. Nagsimula ang case build-up halos kasabay ng pagrereklamo ng NBI laban kay dating Tagum Mayor Rey "Chiong" Uy at 29 na iba pa, kabilang ang mga retirado at kasalukuyang mga pulis, dating local officials at mga sinasabing hitmen sa Tagum Death Squad sa 82 mga pagpatay at dalawang attempted murder sa lungsod, sa bayan ng Dujali, Davao del Norte, Camo at Wahab sa Compostela Valley at maging sa Butuan City.