KEDAH, Malaysia--Binuksan kahapon ang limang-araw na Ika-apat na Pagsasanay sa Pagliligtas sa Kalamidad ng ASEAN Regional Forum (ARF). Kalahok dito ang mahigit 3,000 kinatawan mula sa 21 sa 27 miyembro ng ARF, at walong organisasyong panrehiyon at pandaigdig.
Ang pagsasanay, na nasa magkasanib na pagtataguyod ng Tsina at Malaysia ay binubuo ng mga ensayo ng paghahanap at pagliligtas sa karagatan at lupa.
Ang ARF ay isang pangunahing mekanismong panseguridad. Ang pagsasanay sa pagliligtas sa kapahamakan ay pangunahing proyekto sa di-tradisyonal na larangang panseguridad sa ilalim ng ARF. Idinaraos ito bawat dalawang taon.
Salin: Jade