PENANG, Malaysia—Dumating kahapon dito ang Jinggangshan, bapor ng hukbong pandagat ng Tsina para lumahok sa Ika-apat na Pagsasanay sa Pagliligtas sa Kalamidad ng ASEAN Regional Forum (ARF), na gaganapin mula ngayong araw hanggang ika-28 ng buwang ito, sa karagatan sa timog-kanluran ng Kedah, lalawigan ng Malaysia.
Kasama ng mga bapor mula sa iba't ibang bansa ng ARF, lalahok ang bapor na Tsino sa mga pagsasanay na gaya ng paghahanap at pagliligtas sa katubigan at himpapawid.
Ang nasabing pagsasanay ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Tsina at Malaysia.
Ang ARF ay isang pangunahing mekanismong panseguridad. Ang pagsasanay sa pagliligtas sa kapahamakan ay pangunahing proyekto sa di-tradisyonal na larangang panseguridad sa ilalim ng ARF. Idinaraos ito bawat dalawang taon.
Salin: Jade