Dumalo kahapon sa Moscow si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa 5th High Level Security Meeting ng mga bansang BRICS. Nagpalitan ang mga kalahok ng kuru-kuro hinggil sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng BRICS sa mga isyung pandaigdig, at narating nila ang mga pagkakasundo hinggil dito.
Ipinahayag ni Yang Jiechi na bilang mahalagang puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong ng kaunlaran ng sangkatauhan, umaasa siyang magsisikap ang mga bansang BRICS para magkasamang pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan, kasaganaan at multipolarisasyon ng daigdig.
Ang BRICS ay kinabibilangan ng mga bansang Brazil, Russia, India, China at South Africa.