Sa katatapos na Ika-6 na BRICS Summit, ipinasiya ng mga kalahok na lider mula sa Brasil, Rusya, India, Tsina at Timog Korea, na itatag ang Contingency Reserve Arrangement (CRA).
Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng bansa, na bilang isang pangkagipitang reserba ng mga salaping dayuhan, hindi kailangang maglaan kaagad ang mga kasapi ng BRICS ng kanilang bahagi sa CRA. Ilulunsad at gagamitin lang ito kung kakailanganin.
Ang CRA ay isang pool ng reserbang dayuhan na nagkakahalaga ng 100 bilyong dolyares.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na sa kasalukuyang integrasyon ng kabuhayang pandaigdig, makakatulong ang CRA sa katatagang pinansyal ng BRICS at buong mundo.