Sa Yangon, Myanmar — Isang eksibisyon ng litrato bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang idinaos kahapon ng mga Embahadang Tsino at Ruso sa Myanmar.
Sinabi ni Yang Houlan, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na ang Tsina at Rusya ay pangunahing purok ng digmaan sa Asya at Europa noong WWII. Aniya, binayaran ng mga mamamayang Tsino ng napakalaking kapinsalaan at ambag ang tagumpay ng WWII.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga opisyal ng Myanmar na kinabibilangan ni Myint Swe, administratibong opisyal ng Yangon ng Myanmar, at iba pa.
Salin: Li Feng