Nilagdaan kahapon ng Tsina at Timog Korea sa Seoul ang Kasunduan sa Malayang Sonang Pangkalakalan (Free Trade Area o FTA).
Kapuwa ipinadala nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea ang kanilang mensaheng pambati hinggil dito.
Kaugnay nito, sinabi ni Bai Ming, dalubhasa mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang nilagdaang FTA ng Tsina at Timog Korea ay may kinalaman sa iba't ibang larangan na gaya ng kalakalan, serbisyo, puhunan, e-commerce, at pangangalaga sa kapaligiran. Makakatulong aniya ito sa mga bahay-kalakal ng dalawang bansa na punuan ng kani-kanilang bentahe at pasulungin ang kanilang pagtutulungan.
Ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner ng Timog Korea. Ang Timog Korea ay ang ikatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina. Ayon sa pagtaya, makaraang magkabisa ang nasabing Kasunduan ng dalawang bansa, magpapasulong ito ng 1 hanggang 2 porsyento ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina, at 2 hanggang 3 porsyento ng Timog Korea.
Salin: Jade