Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang normal na tungkulin ng hukbong Tsino, isasagawa nito ang ensayong militar sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar. Umaasa aniya siyang magsisikap ang Myanmar, kasama ng Tsina para pangalagaan ang katatagan sa rehiyong ito.
Ayon pa sa memong isinapubliko kamakailan ng panig militar ng Tsina, isasagawa nito ang ensayo sa lalawigang Yunnan, mula ika-2 ng buwang ito. Anito, alinsunod sa international norms at kasunduang militar ng Tsina at Myanmar, ipinaalam na ng Tsina sa Myanmar ang mga katugong impormasyon.