Ipinahayag ngayong araw ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, na palalakasin pa ang gawain ng paghahanap at pagliligtas para sa lumubog na bapor na pampasahero sa Yangtze River.
Ayon sa ministring ito, pakikilusin nito ang mga karagdagang tagapagligtas, para palawakin ang saklaw ng paghahanap ng mga nawawala hanggang sa lugar sa ibabang bahagi ng ilog na 220 kilometro ang layo mula sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Hiniling din nito sa mga lokal na pamahalaan ng mga lugar sa ibabang bahagi ng ilog na tulungan ang paghahanap ng mga nawawala.
Sa pag-oorganisa rin ng naturang ministri, lumahok kaninang umaga sa gawain ng paghahanap at pagliligtas ang 38 propesyonal na maninisid, at 4 na salvage ship.
Salin: Liu Kai