Ipinahayag kahapon sa regular na news briefing ni Marie Harf, Mataas na Tagapayo ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na namamahala sa suliranin ng international communication, na ang insidente ng lumubog na bapor na naganap sa Yangtze River ng Tsina ay isang grabeng trahedya. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pakikidalamhati sa Tsina at mga kamag-anak ng mga kasuwalti.
Samantala, ipinahayag din nina Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), at Frederica Mogherini, Mataas na Komisyoner ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa mga suliraning panseguridad at panlabas, ang pakikidalamhati sa nabanggit na insidente.
Salin: Ernest