Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga gusali ng paaralan ligtas, handa rin silang sumagot sa COA

(GMT+08:00) 2015-06-03 17:38:22       CRI

MGA PAARALAN, TUMUTUPAD SA ALITUNTUNIN SA MGA GUSALI.  Ligtas at binabantayan ng Department of Education ang kanilang mga gusali.  Ito ang sinabi ni Education Secretary Bro. Armin F. Luistro, FSC (gitna) sa isang panayam sa Luneta Hotel kaninang umaga.  Kahit ang mga gusaling itinayo ng mga politiko ay sinusuri ng mga enhinyero, dagdag pa ni Secretary Luistro. Nasa larawan din si Commissioner Cynthia Bautista ng CHED (kanan) at Philippine Star Columnist marichu Villanueva (nakatalikod sa camera).  (Melo M. Acuna)

TINIYAK ni Education Secretary Bro. Armin A. Luistro, FSC na ligtas ang mga gusaling ginagamit ng mga mag-aaral sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ito ang kanyang tugon matapos lumabas ang balitang nais ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mabatid kung ligtas ang daan-daang libong mga gusali sa bansa matapos ang malagim na sunog sa Valenzuela City noong nakalipas na buwan na ikinasawi ng 72 katao.

Sa isang panayam kay Kalihim Luistro, sinabi niyang sumusunod ang Department of Education sa mga alituntunin ng pamahalaan hinggil sa kaligtasan ng mga gusali at ng mga mag-aaral, lalo't higit ang mga bagong tayong paaralan.

Ipinaliwanag pa niyang ang mga gusaling itinayo ng mga mambabatas at pamahalaang lokal ay sumusunod rin sa batas. Ang mga enhinyero ng mga bayan at lungsod ay patuloy sa kanilang inspeksyon at pagsusuri sa mga gusaling ito.

Samantala, handa ang Department of Education na sagutin ang lumabas na findings ng Commission on Audit sapagkat nagkamali ang ahensya sa pagsasabing nagkakahalaga ng P608 milyon ang mga lumang aklat sa bagong curriculum sa ilalim ng K+12.

Ani Kalihim Luistro, ang ginamit para sa Grade 1 at Grade 7 na mga aklat ay bahagi lamang ng buong halaga. Tutugon sila sa anumang katanungang magmumula sa Commission on Audit.

Kahit umano sa mga pribadong paaralan ay walang nagtapon ng mga sinaunang aklat sa pagsisimula ng bagong curriculum. Marahil, ani Kalihim Luistro, ay hindi nauunawaan ng kinauukulan na nagagamit pa ang mga lumang aklat depende sa mga pahina nito. Marami pang mapupulot na imporasyon sa mga aklat na ginamit sa ilalim ng sinaunang curriculum.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>