Sa paanyaya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang National League for Democracy (NLD) ng Myanmar na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi ay dadalaw sa Tsina, mula ika-10 hanggang ika-14 ng buwang ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay isang mahalagang pagpapalitan sa pagitan ng mga partido ng dalawang bansa; at ang pagpapalitang pampartido ay mahalagang bahagi ng panlahat na relasyon ng dalawang bansa.
Umaasa aniya ang Tsina na sa gagawing pagdalaw ng NLD, mapapasulong ang pagtutulungan ng Tsina at Myanmar sa iba't ibang larangan.
Salin: Jade