Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi babaguhin ng Tsina ang isinasagawa nitong patakaran sa isyu ng South China Sea.
Binigyang-diin ni Hua na igigiit ng Tsina ang prinsipyong pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, mapayapang pakikipagtalastasan sa mga may-kinalamang bansa para maayos na lutasin ang ibat-ibang alitan, pagpapatupad sa Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea(DOC), pagpapasulong sa pagbuo ng Code of Conduct in the South China Sea, at pagpapasulong ng magkasamang paggagalugad at pragmatikong pagtutulungan sa rehiyong ito. Ang mga ito aniya ay gagawin ng Tsina kasama ang mga bansa ng Association of South East Asian Nations(ASEAN).