|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ni Muhyiddin Yassin, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia ang planong pagtatatag ng Sentro ng Pagbababala sa Lindol sa Sabah, estado sa dakong silangan ng Malaysia na niyanig ng 5.9 magnitude na lindol.
Winika ni Muhyiddin ang nasabing plano makaraang mag-inspeksyon sila sa Ranau, Sabah, 16 na kilometro mula sa epicenter ng nasabing lindol.
Inimbitahan din ni Muhyiddin ang mga dalubhasa mula sa loob at labas ng bansa para itayo ang nabanggit na sentro.
Kinumpirma kahapon ng Konsulada ng Tsina sa Kota Kinabalu, kabisera ng Sabah, ang pagkarekober ng labing-anim (16) na bangkay mula sa nilindol na lugar. Isa sa mga bangkay ay may dalang pasaporteng Tsino.
Ayon naman sa panig opisyal ng Sabah, hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagliligtas at paghananap.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |