Kinumpirma kahapon ng Konsulada ng Tsina sa Kota Kinabalu, kabisera ng Sabah, estado sa dakong silangan ng Malaysia, ang pagkarekober ng labing-anim (16) na bangkay mula sa nilindol na lugar. Isa sa mga bangkay ay may dalang pasaporteng Tsino.
Naganap ang 5.9 magnitude na lindol kamakailan, 16 na kilometro ang mula sa Ranau, Sabah. Dahil sa lindol, nagkaroon ng landslide sa Mount Kinabalu; at ilang mang-aakyat na kinabibilangan ng isang Tsino ang nawawala sa bundok.
Ipinahayag kahapon ng panig opisyal ng Sabah na hindi ititigil ang pagliligtas at paghahanap hangga't hindi nahanap ang lahat ng mga taong apektado ng lindol.
Salin: Jade