Pagkaraan ng mahigit dalawang taon, muling binuksan kamakailan sa Beijing ng mga ministro ng pinansiya ng Tsina at Hapon ang kanilang diyalogo. Ito ang ikalimang katulad na pulong ng dalawang bansa, sapul noong 2006, nang ganapin ang unang diyalogo.
Magkasamang nangulo sa bagong round ng talastasan si Lou Jiwei, Ministro ng Pinansya ng Tsina at ang kanyang counterpart na Hapones na si Aso Taro.
Ayon sa artikulo ng Xinhua, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, ang pagpapanumbalik ng nasabing diyalogo ay hindi lamang nakakabuti sa relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa, kundi maging sa panlahat na relasyong Sino-Hapones.
Napag-alamang isa sa mga pangunahing paksa sa diyalogo ay ang magkasamang pagpapasulong ng dalawang bansa sa konstruksyon ng imprastruktura sa Asya.
Salin: Jade