|
||||||||
|
||
NABAWASAN ang bilang ng mga walang hanapbuhay at underemployed noong nakalipas na Abril 2015. Nagpapakita lamang ito na maayos na kalagayan ng job market base sa lakas ng ekonomiya.
Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority ngayong araw na ito.
Ani Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, ito rin ang napuna noong nakalipas na Enero sa Labor Force Survey na kinatagpuan ng pagbaba ng unemployed at underemployed.
Ibinalita ngayon ng Philippine Statistics Authority na ang unemployment rate ay umabot na lamang sa 6.4% nitong nakalipas na Abril kung ihahambing sa 7.0% noong Abril ng 2014. Nadagdagan ang may trabaho ng 495,000 at nabawasan ang total number ng unemployed sa 2.7 milyon.
Ipinaliwanag pa ni G. Balisacan na 13 mula sa 17 rehiyon, kabilang na ang National Capital Region ay kinakitaan ng pagbaba ng unemployment sa survey period. Ang National Capital Region ang kinatagpuan ng pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho sa 9.3% samantalang ang pinakamababa ay sa ARMM na nagtamo ng 3.2%.
Ang underemployment ay bumaba rin sa 17.8% mula sa 18.2% noong nakalipas na taon. Nagkaroon ng 44,000 Filipino ang hindi na underemployed, at nabawasan ang 7.0 milyong may trabahong mga mamamayan na naghahanap pa ng trabaho.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |