Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Arsobispo Villegas: Hinay-hinay sa pagbabago ng Saligang Batas

(GMT+08:00) 2015-06-08 17:48:39       CRI

LAYUNIN ng mga may-akda ng Saligang Batas noong 1973 at noong 1987 na pagbawalan ang mga banyagang pumasok sa daigdig ng kalakal upang mapanatili ang karatungang panglipunan, pagpapanatili ng kayamanan at iba pang mga biyayang ibinigay sa mga Pilipino ng Panginoong Diyos.

Ito ang sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang reaksyon sa panukalang buksan ang Saligang Batas sa mga pagbabago at pagluluwag.

Lumabas umano sa mga balita ang mga pahayag ng iba't ibang kagalang-galang na mamamayan at mahahalagang sektor ng lipunan na susugan ang Saligang Batas.

Samantalang ang mga pagsusog ay may kinalaman sa uri ng pamahalaan na igagawad ng mga mamamayan at mga obispo sa mga politiko upang pag-isipan na magkakaepekto sa katarungang panglipunan.

Naniniwala ang Simbahan na may sapat na kakayahan ito upang panindigan ang isyu ng social justice,

Mahirap unawain ang pagkakaroon ng mga banyagang yayaman mula sa likas na yaman ng bansa at paglilipat ng kanilang kinita patungo sa kanilang sariling bansa at paggamit sa mga manggagawang Filipino. Mahirap umanong maunawaan ang paggamit ng mga banyaga ng likas na yaman at lakas ng mga manggagawang Filipino.

Bago umano magmadaling susugan ang Saligang Batas, nananawagan ang mga obispo sa lahat na magsuri sa larangan ng ekonomiya, sociology, mga batas at mga itinuturo ng Simbahan na nararapat mag-alok ng sagot sa ilang katanungan.

Ano ang mapapakinabang ng bansa sa pagluluwag ng mga probisyong sinasabing mapanggipit? Anong kaseguruhan na ang likas na yaman ng bansa ay pakikinabangan ng mga Filipino? Ano ang human, social at environmental costs ng pagluluwag ng mga pagbabawal sa paglahok ng mga banyaga sa economic at business affairs sa Pilipinas?

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>