|
||||||||
|
||
SASAILALIM sa pagsisiyasat ang lahat ng opisyal ng Bureau of Immigration kabilang na si Commissioner Siegfred Mison sa alegasyon ng panunuhol upang mapigil ang pagpapatapon sa isang pinaghahanap na Tsino para sa US$ 100 milyong kaso ng embezzlement.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, lahat ng opisyal ng Bureau of Immigration kahit bahagi ng Board of Commissioner o hindi, ay masisiyasat.
Tumanggi si Mison na tumanggap siya ng suhol. Ayon kay Mison, pinaniwala siya ng dalawang associate immigration commissioners na si Wang Bo, isang pinaghahanap na Tsino, ay hindi nararapat ipatapon sapagkat sa Pilipinas niya nagawa ang krimen.
Ang dalawa ay sina Associate Commissioner Abdulla Mangotara at Gilbert Repizo.
Ang 31 taong gulang na si Wang ay pinaghahanap ng Interpol at Chinese government sa paglustay ng may US$ 100 milyon ang nararapat mapalaya subalit pinigil ni Kalihim de Lima.
Napipiit si Wang sa piitan ng Bureau of Immigration sa Taguig City mula noong madakip noong ikaa-sampu ng Pebrero sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport mulas a Malaysia.
Hiniling ng Embahada ng Tsina ang tulong ng Bureau of Immigration upang madakip si Wang na pinaghahanap sa kasong illegal gambling. Kanselado na ang kanyang pasaporte.
Naglabas umano si Wang ng daan-daang milyong piso sa mga mambabatas upang ipasa ang Bangsamoro Basic Law.
Bubuo si Kalihim de Lima ng isang koponang magsisiyasat sa insidente.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |