Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkamatay ng isang Filipina, ipinasisiyasat ni VP Binay

(GMT+08:00) 2015-06-08 17:51:25       CRI

NABABAHALA si Vice President Jejomar C. Binay sa pagkasawi ng isang Filipina na nabalitang nasunog hanggang sa mamatay sa Malaysia. Hiniling niya sa Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur na magsagawa ng ibayong pagsisiyasat.

Sa isang pahayag, sinabi ni G. Binay na nalulungkot at nababahala siya sa pangyayari.

Unang hiniling ng Police Attache sa mga pulis ng Malaysia na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Ruby Lloren sa isang sunog sa Johor Bahru. Nais malaman kung paano at bakit namatay si Lloren sa sunog.

Ayon sa kanyang mister na tubong Malaysia, isang magnanakaw ang pumasok sa kanilang tahanan samantang wala siya roon. Sinunog umano ng magnanakaw ang bahay na ikinasawi ni Lloren. Pitong taon na silang magkasama ng kanyang mister sa Johor Bahru. Nagtrabaho umano si Lloren sa isang fast food chain sa nakalipas na ilang taon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>