Sa kanyang talumpati sa resepsyon na idinaos kahapon ng Embahada ng Tsina sa Myanmar, bilang pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, sinabi ni Sai Mauk Kham, Pangalawang Pangulo ng Myanmar na bilang tradisyonal na mapagkaibigang kapitbansa sa hene-henerasyon, mahalaga ang ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Myanmar. Sinabi niyang itinaas noong 2011 ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa antas ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon. Sa kasalukuyan aniya, ang Tsina ay pinakamalaking bansang namumuhunan sa Myanmar. Dagdag pa niya, pinasalamatan din ng Myanmar ang tulong na ibinibigay ng Tsina sa isinasagawang reporma ng bansa.
Ipinahayag naman ni Yang Houlan, Embahador Tsino sa Myanmar na pagkaraan ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, walang tigil na umuunlad ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Myanmar. Aniya, positibo ang Tsina sa pagtahak ng Myanmar sa landas na pangkaunlaran na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para palalimin ang pagtitiwalaang pampulitika at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, at pasulungin ang pagtatatag ng bagong ugnayang pandaigdig na may pagkakapantay-pantay, pagiging inklusibo, at win-win situation.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mahigit 100 kinatawang galing sa ibat-ibang sektor ng dalawang panig.