Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon sa delegasyon ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar na pinamumunuan ng Pangulo nitong si Aung San Suu Kyi, sinabi ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay nahaharap sa mahalagang pagkakataon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Myanmar, para magkasamang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng kapuwa panig. Ito ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, dagdag niya.
Sinabi naman ni Aung San Suu Kyi, na napakahalaga ng relasyon ng Myanmar at Tsina. Umaasa siyang ibayo pang mapapalalim ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at mapapalakas ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng