Ayon sa "Lianhe Zaobao" ng Singapore, ipinahayag kamakailan ng Ministri ng Pinansya ng Indonesia, na sa loob ng darating na limang (5) taon, ang imprastruktura ng bansa ay mangangailangan ng halos 424 bilyong dolyares.
Ayon naman sa Pangalawang Ministro ng Pambansang Plano at Pag-unlad ng Indonesia, sa loob ng darating na limang taon, hihiramin ng Pamahalaang Indones ang di-kukulangin sa 25 bilyong dolyares mula sa ibang bansa, at gagamitin ang pondong ito sa imprastruktura ng bansa. Sa kasalukuyan, kinakalkula ng iba't-ibang organo ng pamahalaan ang mga proyekto para tiyakin ang halaga ng pondo na kailangang hiramin ng pamahalaan.
Salin: Li Feng