Ayon sa ulat ng "Jakarta Post," isiniwalat kamakailan ni Dedy Supriadi Priatna, Deputy Minister for Infrastructure Affairs ng Ministry of National Planning (Bappenas) ng Indonesia, na iniutos ni Pangulong Joko Widodo na pabilisin ang pagpapasulong ng sampung (10) proyekto ng imprastruktura. Sinabi aniya ng Pangulong Indones, na dapat simulan ang naturang mga proyekto sa loob ng kasalukuyang taon, at responsable ang Pangalawang Pangulo sa pagsusuperbisa sa mga ito.
Dagdag pa ni Dedy, upang mapabilis ang konstruksyon, pinaplanong balangkasin ng Pamahalaang Indones ang isang estrukturang hudisyal para maiwasan ang paglitaw ng mga problemang pambatas habang pinasusulong ng iba't-ibang departamento ng pamahalaan ang nasabing mga proyekto.
Salin: Li Feng