|
||||||||
|
||
Noong nagdaang Abril, halos umabot sa 750 libo ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Indonesia. Mas mataas ito ng 3.24% kumpara sa gayunding panahon noong 2014. Record high din ang bilang na ito nitong sampung taong nakalipas.
Sinabi ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia na mataas ang naging paglaki ng bilang ng mga turista nitong nagdaang Abril dahil dumami ang mga turista mula sa Tsina, Hapon, India, Britanya, Timog Korea, Pransya, Malaysia, Pilipinas at Singapore.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |